Sabado, Abril 28, 2012

Klasipayd Ads

Sa nilamukot na pahina ng Taliba nakatagpo siya ng isang mapanghalinang paanyaya.
WANTED: DRIVER (URGENT)
  • with two year experience.
                Hala. Maguumpisa pa lang akong magtrabaho kung saka-sakali. Paano naman ako magkakaroon ng dalawang taong karanasan sa pagtatrabaho.
  • at least college graduate.
Galing. Kailangan nap ala ngayon ang diploma at mataas na kaalaman sa pagmamaneho ng
sasakyan.
  • willing to work under pressure.
                Requirements pa nga lang nakaka-pressure na. Malamang sa alamang sa mismong trabaho higit pa dito ang pressure na mararanasan ko.
  • with pleasing perso…
(NOKIA TONE)
”Hello Bakulaw!”
“Hello Boss.”
“Punta ka sa lungga mamayang hatinggabi may itutumba tayong aktibista sa may Mendiola.”
“Okidok Boss!”

-Emmanuel T. Barrameda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento